Tuesday, June 19, 2012

Concerts Atbp.

Ikirr! super late yung kalahati ng post na to!

Gaga over Gaga...

Salamat at open na ang MOA Arena, mas marami na kaming mapapanuod na concert (c/o mother of course). Mom works in SM kasi so,yun na!

Ma, thanks for the Mosh pit tickets! Nag enjoy kami talaga! :)
Natawa lang ako ng slight nung nalaman ko na kasama ka pala namin manuod,pero ok kasi ikaw ang in charge sa picture taking part. Pero bigla kang nawala sa tabi namin nung kalagitnaan ng concert (yun pala nasa likod sya kasi nabibingi na daw sya)


Pag dating namin nasa stage na yung DJ. It was a good 1 hour,nag enjoy kami.



Tinodo namin ang pag jump jump sa tunes ni mr dj,warm up para pag labas ni "Lady" ok na. Pero si kuya na naka black polo sa bottom left picture ang pinaka enjoy, hindi pa tapos ang set ni mr dj pawis na pawis na kaka sayaw.


AYAN NAAAAA!!!!! nanjan na si Lady!Ang ganda ng set nya, masaya dun sa pwesto namin,walang ginawa ang mga tao kundi tumalon ng tumalon

wala na kaming pakialam,sobrang siksikan na pero dance to the max kami at jump jump jump. hindi na ume epek ang aircon kaya pawisan na ang lahat

Si kuya na nasa likod ko nakatulog habang nagsasayaw


 Hindi kami maka paniwala..She's so close! usually pag nanunuod kami ng concert sa pinaka dulo lang kami. kaya kitang kita sa mukha namin ang amazement!



Nung last part na sinundan na namin si mother sa likod kasi napagod na kami. Mas malamig dun kasi konti ang tao. At sa totoo lang, nabingi na rin kami sa lakas ng music :)


Icons @ the Arena

Eto recently lang nangyari, Grand opening ng Arena so syempre my tickets kami. Pero hindi na sa patron, kasi 10 kaming nanunuod eh. :)

masaya kasi madaming artist,at nandoon pa ang favorite namin...





Syempre kain muna bago concert :)




"Family" Picture. heehee



There were more artists pero hindi ko na sinama. (tinamad na ako)

Ang talagang pinunta kang namin don ay ang aming mga "dabarkads" hehe..Jose and Wally FTW! sama narin natin si Pokwang


Ang favorite part ng gabi ko ay..Confetti! Usually naman sa stage lang my confetti eh, pero dito buong Arena! ang saya, gusto ko sila kainin lahat (parang sa tv pag my confetti usually nakakain ng host)


Mahaba ang pila palabas ng parking lot so chill muna kami sa tabi kasi sarap tumambay dun dahil mahangin,hindi katulad sa ibang parking lot na mainit at kulob.



Nagutom na si Daddy-yo, buti nalang ny baon kaming choco cake!









No comments:

Post a Comment